Message Board


web stats

Tuesday, December 1, 2015

STATE OF THE MUNICIPALITY ADDRESS 2015 OF DATU PAGLAS

                                           

 STATE OF THE MUNICIPALITY ADDRESS 2015
                                          Ni : Hon. Datu Mohamad P. Paglas, Sr., AL-HAJ
                                                               Municipal Mayor
                                                     Datu Paglas, Maquindanao

           Isang malaking biyaya at pagkakataon ang mapabilang sa isang bayan na nagsusumikap na umunlad sa kabila ng kakaunting pagkukunan para masagot ang mga pangangailangan nito. Ang kaunlaran n gating bayan ay bunga ng mahigpit na pagkakaisa ng pamahalaan at mamayan. Sa lahat ng pinagdaanang pagsubok unti-unti nating nadadama ang pagbangon. At sa lahat ng pinagdaang hamon sama-sama nating nakamit ang tagumpay. Lubos akong nagpapasalamat dahil sa inyong dimatawarang suporta at sinamahan ninyo ako sa loob ng siyam na taon na aking panunungkulan sampu n gating konseho, department heads, at mahigit walumpong kawani ng pamahalang local. Ang pagkakaisa an gating naging sandata upang maisulong an gating adhikain na maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat mamamayan ng Datu Paglas. Nawa’y ipagpatuloy natin an gating magandang nasimulan para tuloy-tuloy ang pag-unlad n gating mahal na bayan.

           Ikinagulod kong iulat sa inyo ang mga programa at proyekto n ating pamahalaang local mula ng tayo ay naupo at nanungkulan na sama-sama nating napagtagumpayan bunga ng pagtupad sa aming tungkulin na kayo ay mapaglingkuran ng tapat at sa tulong din ng inyong pagganap at pakikiisa bilang responsableng mamamayan ng Datu Paglas.

           Ang nabalangkas at nabuong Komprehensibong Plano sa pagpaunlad ng Datu Paglas ang naging batayan ng lahat ng mga programa at proyekto na pinatupad sa administrasyong ito.

           Sa kumprehensibong Plano na ito ay nakasaad ang adhikain na ang sector ng EDUKASYON ay mabigyan ng sapat na pagtingin upang sa ganoon ang karapatan ng bawat kabataan sa Datu Paglas na magkaroon ng dikalidad na edukasyon ay maipagkaloob sa kanila. Sinikap ng Pamahalaang local na sagutin ang problemang kakulangan ng guro sa amamagitan ng pagbuhay ng Teacher’s Volunteer Program. Kinabibilangan ito ng mga guro at ustadzes. Naglaan ng pondo ang local na pamahalaan para sa honorarium ng mga volunteers. Ang mga volunteers ay ginabayan ng mga paaralan at binigyan ng sapat na trainings upang maging handa sa pagtuturo. Ang mga guro ng Datu Paglas sa pakikipagtulungan ng local na Pamahalaan sa Synergeia Foundation ay nagtraining sa larangan ng agham sa matematika, Ingles at Siyensya, na nakakitaan ng kakulangan ayon sa ulat ng pamunuan ng DepEd. Naglaan din ang local na pamahalaan ng mga office supplies sa bawat distrito upang magamit sa paggawa ng teaching materials. Nagkaroon din ng mga trainings ang mga supervisor at principal ng tamang pamahala sa kani-kanilang paaralan upang lalong maayos ang kalidad ng mga pagtuturo ng mga guro.Pinagalaw din ng local na pamahalaan ang Lokal School Board (LSB) upang magkaroon ng mas maraming partisipasyon sa iba-ibang sector na kasapi nito. Inorganisa din ang Barangay Local School Board ng sa gayon ay mabigyan nila ng sapat na pansin ang mga kaganapan sa mga paaralan ng kanilang barangay.

          Dahil sa pagdami ng mag aral sa Dau Paglas, ang DepEd ay bumuo ng karagdagang distrito upang matugunan ang pamamahala sa mas maraming mag-aaral, Isinilang ng Datu Paglas DepEd Eastern District.

           Dumami din ang nagpatala sa High School kaya nangangailangan din na dagdagan ng High School sites ng sa ganoon mahati-hati ang mga mag-aaral at mapalapit sa paaralan. Naitatag ang Manindolo National High School at Datu Katong Madidis National High School.

            kaakibat ng pagtaas ng populasyon ng mga mag-aaral tumaas din ang pangangailangan ng mga silid aralan. Sa pakikipag-ugnayan ng local na pamahalaan sa pamahalaang National, pamahalaan ng Autonomous Region Mindanao at ng mga Non-Government Organization gaya ng JICA at J-Bird nagkaroon ng dalawamput isang karagdagang unit na silid aralan ng ibat-ibang dimension. Mga lumang silid aralan ay ipinaayos din para makaragdag sa pagtugon ng pagkukulang ng silid aralan.

           Naitatag din ang Eskolar ng Bayan Program ng local pamahalaan upang ang mga karapat-dapat na mahihirap na mag-aaral ay mabigyan ng pagkakataon.

           ang sama-samang pagtutulungan ng LGU, CSO, DepEd at mga magulang upang gumanda ang kalidad ng edukasyon sa Datu Paglas ay nagbigay dan sa suno-sunod na pangunguna ng DepEd Datu Paglas sa mga National Archievement Test and Competitions sa Rehiyon.

            Sa larangan ng KALUSUGAN naging adhikain ng pamahalaang local na magkaroon ng malusog na pamayanan upang mas matatag ang kanilang maiambag sa pag unlad ng bayan. Taon-taon idinadaos ng LGU ang pagkakaroon ng Municipal Health Summit upang malaman ang mga isyu at problema sa mga katayuan ng kalusugan sa bayan at mabigyan ng karampatang lunas ang mga ito. Napag-alaman sa Summit ang kakulangan sa mga kawani para sa kalusugan. Di angkop ang kanilang bilang sa dami ng barangay na kanilang pagsisilbihan. Kaya itinaguyod muli ang Barangay Health Worker’s Volunteer Program, upang may ka partner ang mga regular health workers ng MHO, sa loob ng siyam na taon halos nadoble na ang bilang ng mga Health centers sa Datu Paglas. Dalawang paanakan din ang naidagdag handog ng Zuelling Fundation. Sa mga supporting pasilidad na ito idinaraos ng MHO ang lahat ng mga programa at proyekto nito. Upang mapalapit sa mga mamamayan ang mura at abot kamay na pagkukunan ng gamut, muling binuksan ang mga botika ng barangay sa Datu Paglas. Sa pagnanais na mapangalagaan ang mga ina at mga kababaihan na mga buntis sa kanayunan, taon taon ay ginaganap ng pamahalaang local  ang Buntis Congress upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga bagong nagbubuntis at mga bagong programa at proyekto ng pamahalaan sa mga dati ng ina. Upang matiyak na ang mga buntis sa barangay sa panahon ng kanilang panganganak ay mabigyan ng tamang pag-aruga, binuo ang Buntis Patrol na siyang nagmomonitor sa kanila. Tiniyak din ng LGU na ang sasakyan para sa mga buntis sa mga liblib ng lugar ay palaging nakaantabay. Sa pakikipag-ugnayan ng LGU sa ibat ibang NGO’s nabigyan ng mga gamit para sa malinis na inumin ang mga barangay na may kakulangan ng pagkukunan ng malinis na tubig inumin. Gaya ng WASH project, biosang filter project na handog naman ng Gawad Kalinga. Upang matiyak na ang mga mamamayan ng Datu Paglas ay makakakuha ng serbisyo ng Hospitalization, ang LGU ay naglaan nan g pondo para sa Philhealth premium bago pa man nagkaroon ng universal program and pamahalaang national.

           Higit sa lahat pinairal ang pangangalaga sa kalusugan ng mga taga Datu Paglas sa pamamagitan ng Tri-health leadership na pamamaraan. Kung saan ang LGU sa pamamagitan ng alkalde na magmamando ng direkyon at tulong, ang teknikal naman na aspeto ay pamumunuan ng Municipal Health Officer ng MHO at ang akmang pagmomonitor at paghahatid ng mga impormasyong hinggil sa kalusugan ay gagampanan ng mga CSO’s. Naniniwala ang LGU na, Lakas ng Bayan, ang mamamayang malusog, malakas at may maayos na pangangatawan. Kaya lahat ng programa at proyekto na ginagawa ng LGU ay ginampanan ng tapat at walang pagaalinlangan.

           Ang paglilingkod sa bayan ay nakatuon din sa pagkakaroon ng sapat na imprstraktura upang mapabilis ang pagunlad sa kanayunan. Sa pagtanaw sa nakaraan, maraming mga daanan sa Datu Paglas ang hindi maayos at di madaanan. Dahil ditto maraming bagay ang naapektuhan ang  mga magsasaka sa pagdala ng kanilang produkto sa pamilihang bayan, mga mag-aaral patungo sa paaralan, mga mamamayan na may sakit, buntis at mga emergency cases na dapat dalhin sa kabayanan. Dumaan sa matinding pag-aaral bago napagdesisyunan ng pagbili ng mga Heavy Equipments para sa pag-aayos sa lampas isang daang kilometrong barangay road. Sa pagkakaroon ng heavy equipmnets  lahat ng mga Municipal road at barangay road ng Datu Paglas ay nakumpune na ta pinakikinabangan nan g mga mamamayan. May 6 na kilometro din sa concreting ng nagawa sa ugnayan ang ARCP II project ng DAR at LGU. Nag ambag ng 60% ang LGU  sa kabuunan ng halaga ng proyekto at ang 40% ay ambag ng pamahalaang national. Naipagawa din ang mga tulay na kailangang magdugtong sa mga kanayunan tungo sa kabayanan. Mga imprastraktura na suporta sa pagpasigla sa ekonomiya ay naitatag din gaya ng mga bagong pakainan, maayos na terminal, fish landing at cold storage, bagong market stall at grocery center. Sabay nito kinailangan din na palakasin ang suporta sa agrikultura gaya ng pag aayos ng mga irrigation facilities upang lalong mapalaki ang area ng mga pananiman, mga post harvest facilities gaya ng warehouse at dryer. Ang lahat ng mga imprastrakturang nagawa ay nagpanumbalik sa kasiglahan ng ekonomiya ng bayan at ito ay nagiging paraan din na humikayat sa mga mamumuhunan sa pag-unlad ditto sa Datu Paglas.

           Sa usaping Kapayapaan, Kaayusan at kaligtasan, tiniyak ng bmga kinauukulan na sila ay handa para tumupad sa kanilang tungkulin sa gayon mapanatag ang mga mamamayan pagdating sa kanilang kaligtasan. Sa pamagitan ng ugnayan ng LGU at pamunuan  ng Philippine National Pulis  naitatag ang bagong Municipal Police Station. Sabay nito ay ang pagbibigay ng LGU  ng mga office equipments at fixture upang magamit ng mga kapulisan. Tiniyak din ng LGU na ang sasakyan ng mga kapulisan ay palaging nasa top condition upang sa gayon ay laging handa sa tawag ng pangangailangan ukol sa kapayapaan at kaligtasan.Ang local na pamahalaan kaagapay ang pamahalaan ng barangay ay ginawang aktibo din ang SCAA na administrasyong pinamumunuan ng Philippine Army upang maging katuwang ng PNP sa pagpapatupad ng kaayusan. Kapayapaan at kaligtasan ng bawat mamamayan. Sila ay bunigyan ng kaukulang allowance at rice  subsistence allowance sa kanilang tour of duty. Para matiyak ang kaligtasan sa aksidente, at makaiwas sa mga masasamang loob sa paglakbay sa gabi nilagyan din ng street lights ang mga lansangan. ang pagtatag ng waiting shed ay tulong din sa kaligtasan ng mga mamamayang lalakbay dahil meron silang tamang antayan. Naipatayo din ang Municipal Fire Station at nabigyan ng sapat ng mga office equipments at furnitures, hindi nga lang dumarating pa nag fire truck na nanggagaling sa pamahalaang national na siyang naging pangako kung tayo ay gagawa ng fire station. Nabuo din ang TASK FORCE DATU PAGLAS COUNCIL ON DRUGS AND CRIMINALITY (DACODAC) na layunin ay masugpo ang paggamit ng bawal na gamut at pagbebenta nito. Ito ay binubuo ng LGU, PNP, PA, MILF, DepEd, Business sector at Religious Sector.

          Naging malaking hamon sa local na pamahalaan ng Datu Paglas ang usapin sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ang bayan ay nakakaranas na ngayon ng mga pagbaha na dati ay hindi nararanasan. Sa pag-aaral ng konseho ng LGU malaking kadahilanan ang pag-operate ng mga quarry sites sa bayan na hindi tumutupad sa batas na pinapairal. Mahigpit na pinatutupad na ngayon ng LGU na lahat ng Quarry operators ay tumutupad sa ECC requirements na humihingi at kung hindi ay kakanselahin ang kanilang permit to operate. Upang matugunan ang program sa  kalinisan naitatag din ng LGU ng mga Material Recovery Facility (MRF) sa ibat-ibang barangay. Nakapagtanto na rin ng karapat-dapat na pag-iimbakan ng basura ng bayan.

            Upang magkaroon ng kargdagang kita ang mga mamayan ng Datu Paglas ang pamahalaang local ay nakipag-ugnayan sa TESDA upang magkaroon ng trainings sa iba’t-ibang pangkabuhayang kaalaman. Nagkaroon ng training sa mechanic or small motor engine, welding, carpentry, electrical installation, baking, computer hardware maintenance and driving. Para pandagdag kabuhayan ang mga kababaihan ay mabigyan din ng tulong para capitalization ng pangkabuhayan sa DSWD. Para sa  mga magsasaka mga programang hinggil sa seed distribution, fertilizer distribution, animal dispersal ay naipaabot din sa kanila sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture.

           Sa lahat ng mga programa at proyekto na ating napagtagumpayan at isinulong sa loob ng siyam na taon ay hindi naging madali. Subalit dahil sa matapat na pagtutulungan ng mga kawani ng local na Pamahalaan at Konseho ng Bayan nagawang tapusin. Upang maging bihasa sa mga tungkulin pinayagan ng LGU na sila ay makadalo sa siminars at training ng naagkop sa kanilang mga tungkulin at mapaunlad ang kanilang kakayahan. Ang mga pangangailangan ang bawat department na mga kagamitan ay nalagay sa procurement plan ng munisipyo. Dahil sa magandang relasyon ng mga sangay ng ehukotibo aat konseho napabilis ang pagpapatupad ng mga naplano na programa at proyekto. Upang maging matibay na katuwang ng local na pamahalaan ang mga pamahalaan ng barangay sa pagserbisyo ng bayan, nagtulungan ito sa pagpatayo ng Barangay Government Center o barangay Hall. Dito mas madaling gampanan ang serbisyo sa bayan at madaling tunguhin kung may pangangailangan sa mga sa mga namamahala. Lahat ng 23 barangays ng Datu Paglas ay mayroon ng barangay hall.

Sa loob ng siyam na taon ay nakaalpas nan g isang antas ng pagpapaunlad sa ating mahal na bayan. Tayo ngayon ay nahaharap sa bagong hamon na ipagpatuloy an gating naumpisahan at sikapin nating lalong ipataas ang antas n gating pagunlad. Ang tunay na pagkakaisa at tapat na paglingkod bilang mga kawani ng bayan at mga responsible mamamayan ng Datu Paglas, ang siyang magiging malakas na sandata natin sa pakikibaka laban sa kahirapan at patuloy na pagpapaunlad sa bayan. Marami salamat po sa inyong lahat.

Take note: Donation and paid online Blog, Infographic, Infomercial, Events, Talent Fee (TF) and Ad, please pay to the Bank Accouts: At any branches listed below in the Philippines Account Names: ABDULJAMAN A. DAMAHAN/ ABSDAMAHAN’SLIVE-STREAM NEWS TV (ADLSNTV) and adlsntv.blospot.com with business permit No. 007489-0 GenSan and DTI Certificate No. 03233061, BIR-OCN2RC0000905639, Philippine Government Electronics Procurement (PhilGEPS) and Accredited and Registered BLOGGER/TV Streaming and paid Broadcast @ Radyo ALERTO AM Band 1107KHz (ALERTOHANAY SA BARANGAY) aired every Saturday from: 3:00PM to 4:00PM. Email: absdamahanslive@gmail.com, Globe: 0905-211-1991 and Smart: 0947-484-2808 Bank Accounts: For local payment UNIONBANK VISA DEBIT CARD No. 109452727900, Local PS Bank MASTER CARD (DEBIT) No. 193-391-00087-6 Paypal Account: mindevglobalfoodlines@gmail.com, G-CASH Account: 0905-211-1991 and/or for International payments: Payoneer Prepaid MASTER CARD Account No. xxxx-6041 must be confirmed first to Email: mindanaoconsultant@gmail.com with Blog Site: adlsntv.blogspot.com  legal consultant: Atty. Eden Rachel M. Gencianos Note:

This Blog to be continued and Audio interviewed will be aired in our live broadcast programs Radyo ALERTO - GENSAN



No comments:

Post a Comment