GENERAL SANTOS CITY –(October 27, 2016) Isang
lalaki nasita, lumaban at nakipaghabulan, nabaril sa National Highway corner
Mabuhay road harap ng Jollibee, ayon sa pulisya ito ay nagngangalang Elizer
Sierra y Basilio, tubong Zamboanga City base sa nakuhang driver license sa
kanyang pitaka. Ito ay naganap bandang tanghali. At base sa paliwanag ng mga
kapulisan na ating nakapanayam na ito siya ay suspected drug pusher, at
hinarang ng ating kapulisan para sitahin at biglang nag bunot ng baril at
lumaban kaya pinaputukan ng mga autoridad.
Ayon sa ating nasaksihan doon sa lugar na pinangyarihan, ito
ay nakasakay sa isang maitim na sasakyan na Toyota na may plate number na MGG
665 at nagkaroon ng 16 na tama ng bala sa ibat-ibang parti ng sasakyan at basag
ang mga salamin sa tama ng bala.
Ayon kay P/inspector Jovenson Bayona na ito daw ay may
dalawang kasama at biglang nakasakay sa kanilang motorsiklo at nakasibat. Itong
si Elizer ngayon ay dinala sa malapit na Hospital (MMC) at nasa critical na
kalagayan. By: Gemma Roda/ Photojournalist
No comments:
Post a Comment