ALEOSAN, North
Cotabato – Sinalakay ng limampung mga miyembro ng Bangasamoro Islamic Freedom
Fighters (BIFF) ang detachment ng Citizen Armed Forces Geographical Unit
(CAFGU) sa probinsya ng Cotabato dakong alas 10:15 kagabi.
Ayon kay
Cotabato Police Provincial Director Ssupt Alexander Tagum na sinalakay ng BIFF
ang detachment ng Cafgu sa ilalim ng 38th Infantry Battalion
Philippine Army sa Barangay Pagangan Aleosan North Cotabato.
Tumagal ng
sampung minuto ang palitan ng bala sa magkabilang panig.
Umatras ang
mga rebelde nang dumating ang karagdagang pwersa ng militar na tumulong sa mga
Cafgu.
Sinabi
naman ni Aleosan Chief of Police, S/Inspector Jun Napat na bago ang pagsalakay
ng mga rebelde sa Cafgu Detachment ay nagpasabog pa ito ng Improvised Explosive
Device (IED) sa gilid ng National Highway.
Naiwan rin
ng BIFF ang isang handheld radio at isang IED na kusang pinasabog ng EOD team
ng Philippine Army.
Walang
nasugatan sa pagsabog at pagsalakay ng BIFF ngunit nagdulot ito ng takot sa mga
sibilyan.
Sa ngayon ay
nasa hieghtened alert ang militar at pulisya sa North Cotabato sa posibling
diversionary tactics ng BIFF na patuloy na tinutugis sa Maguindanao. By: Gemma
Roda
No comments:
Post a Comment