Message Board


web stats

Thursday, February 25, 2016

KCC Mall magbubukas sa Cotabato City!

Madaragdagan pa ang mga lugar na maaring pasyalan ng mga residente ng syudad at mga kalapit lalawigan makaraang dalawang Mall ang inaasahang magbubukas sa Cotabato City.
Kabilang na rito ang City Mall na naitayo sa Governor Gutierrez Avenue na magbubukas sa huling bahagi ng kasalukuyang taon ayon pa kay Secretary to the Mayor Boy Rasalan.
Habang nagkaroon na rin ng ground breaking para sa itatayong KCC Mall sa bahagi ng Quezon Avenue na may lawak na limang hektarya. Sinasabing 18 buwan ang gagawing kontrasyon .
Maliban sa mga nabanggit na establishemento, dalawa pang kilalang Food Chain ang nakatakdang itatayo rin sa syudad ngayong 2016 dagdag ni Rasalan.
Lubos namang nagpapasalamat ang LGU Cotabato sa tiwala ng mga investors na maglagak ng negosyo sa syudad.
Inaasahang higit sa anim na bilyong pesong investment ang ilalagak ng mga negosyante sa syudad ngayong 2016.
Mataandaang nauna ng nagpahiwatig ang mga Malaysian Investor na maglalagay ng negosyo sa syudad matapos ang isinagawang Business Conference noong nakaraang buwan.
Samantala noong 2015 nagbukas sa Cotabato City ang Mall of Alnor, Centro Department Store at Supera Hypermart.(DENNIS ARCON) and Brigada NewsFM Cotabato City
Google Pic

No comments:

Post a Comment