GENERAL SANTOS CITY- January
17, 2016. – Dumagsa ang tinatayang daan-daang katao sa pribadong lugar sa
bahagi ng Lungsod ng Koronadal upang batiin ang sinasabing ika 47 kaarawan ni
Datu Suharto "Teng"T. Mangudadatu, Al Hajj Ph.D gobernor ng Sultan Kudarat, na todo suporta
naman ang Amang si Sultan Pax S. Mangudadatu, ang Congressman na si Datu Raden
Sakaluran, Mayor Bai Merriam Sangki Mamgudadatu at mga anak nito at si Mayor
Bai Ruth Mangudadatu Sakaluran at ang anak nitong si princess. Kasama din ang
mga Mayor ng iba-ibang munisipyo at mga Kapitan ng mga iba’t barangay ng Sultan
Kudarat.
Tinuran ng gobernor ang walang
humpay na pasasalamat sa lahat ng dumalo kasunod ng paghayag nito na sa loob ng
nagdaang dalawang taong nakalipas ay hindi niya nagawang magkaroon ng
kahalintulad na pagtitipun-tipon dahil sa pagyao ng pinakamamahal nitong ina na
si Bai Chionghai Mangudadatu.
Masayang nakihalubilo ang gobernor
kasama ang mga mag-anak nito sa mga dumalong panauhin na nagtagal hanggang sa
dakong gabi nitong ika 17 ng Enero 2016. (Gemma Roda)
No comments:
Post a Comment