PUBLIC
FULL TEXT: ‘Binola
ako’ ni Napeñas – Aquino
This is the transcript of President Aquino's response to a
question on what exactly happened in Mamasapano on January 25
Rappler.com
Published
9:00 PM, Mar 09, 2015
Updated
11:38 PM, Mar 09, 2015
DON'T BLAME ME. President Benigno Aquino III delivers his
message during the Malacañang Prayer Gathering at the Malacañan Palace Grounds
on Monday, March 9. Photo courtesy of Malacañang Photo Bureau
MANILA, Philippines – Below is a
transcript from the Office of the President of the response of President
Benigno Aquino III to a question posed by Pastor Ed de Guzman during a meeting
with the Coalition of Christian Leaders in Malacañang on Monday, March 9.
(READ: Aquino: Napeñas tricked me on
Mamasapano)
De
Guzman asked the President what exactly happened in Mamasapano on January 25.
Below is the President's response:
‘Yung sa Mamasapano
ho, alam naman po ninyo, ang objective natin dito mayroong tinutugis na
dalawang kilabot na terorista. ‘Yung isa ang ngalan ay ‘Marwan,’ ‘yung isa
naman ay isa Basit Usman. Si Marwan ay Malaysian at si Basit Usman naman po ay
Pilipino.
Ngayon, mayroon hong
outstanding warrants, and tanda ko po – kunwari si Marwan – 2002 pa ho
tinutugis na. So miyembro ho raw si Marwan ng grupong tinatawag na Jemaah
Islamiyah at miyembro ng central committee nila – mataas hong opisyal doon sa
grupong ito – affiliated, allegedly, with al-Qaeda. Sila po ang inakusahan na
nasa (likod ng) pambobomba sa Bali, Indonesia kung saan – kung tama ho ang
tanda ko – lampas 200 katao ang namatay. Doon sa pambobombang ‘yon talagang
gustong maghasik ng terorismo na nagpaputok ng isang bomba, hinintay magdatingan
‘yung first responders at saka, ‘yung sa ating kataga, ‘yung ‘usisero;’ ‘nung
marami nang nagkumpol-kumpol doon, pinaputok ‘yung pangalawang bomba kaya ang
dami hong namatay.
So mula 2002 hanggang
itong taon nga hong 2015 ay talagang nagkakalat (siya) ng kanyang kaalaman sa
paggagawa ng bomba sa iba’t ibang mga grupo na gustong magpatuloy ng karahasan.
So marami pong operations na nangyari na bago pa noong panahon ko para madala
itong si Marwan, si Usman, at iba pang mga terorista sa ating mga korte. Ito
hong huling plano ay tinawag na ‘Oplan Exodus.’ Napakarami na hong mga planong
hinain. ‘Yung sa panahon ko, mayroon akong naalala noong 2012, may mga
operations noong 2013, at mayroong mga operations din noong 2014. Kung minsan
po AFP (Armed Forces of the Philippines) ang nangunguna sa operations—sila ang
may tinatawag na actionable intelligence—mayroon naman po kung minsan ang PNP
(Philippine National Police).
So dito po sa plano,
dapat papasok ang – ‘yung tinatawag nilang seaborne na SAF (Special Action
Force) – sila po… Well, ‘yung explanation sa akin ‘nung umpisa, 160 na seaborne
SAF ang mag-a-undertake ng mission na kung saan susuportahan – sa aking utos –
sila ng AFP, lalo na doon sa pagpasok stealthily, paglabas. Mayroon ho kasing
kalaban na tinatayang mula tatlo hanggang apat na libo (3,000 to 4,000) –
parang potential na kalaban. Nandiyan po ‘yung grupo ng BIFF (Bangsamoro
Islamic Freedom Fighters); nandiyan po ‘yung MILF (Moro Islamic Liberation
Front); nandiyan po ‘yung private armed groups na diumano ng Ampatuan. 2013 po
nag-service ng warrant para sa isang suspect sa Maguindanao massacre, at ‘nung
sinerve (serve) po ito, lumaban; napatay po ‘yon, nahuli ‘yung kanyang mga
kasamahan; paglabas po kasama ng mga naaresto, nangyari po ‘yung tinatawag sa
practice sa Mindanao, ‘yung tinatawag nilang ‘pintakasi.’ ‘Yung nagsama-sama
ang kung anu-anong puwersa, kadalasan Muslim, at ‘pag maliit ‘yung puwersa ng
estado ay – sa Tagalog po – ‘kinukuyog.’ E (sa) pagkakataong ‘yon maganda ho
ang coordination. Tatawagan ‘yung mechanized brigade, pasok ‘yung mechanized
brigade, nailigtas po ‘yung ating mga miyembro ng PNP regional office sa ARMM
(Autonomous Region in Muslim Mindanao).
So dumating po itong
operation. Mayroon po tayong ‘nung mga, unang-una, actionable intelligence. Ano
ba ang ibig sabihin ‘non? Itong si Marwan, si Usman, pinpointed ang tinitirhan.
Hindi ho nakita dito, nakita diyan. Normally, ‘pag sinabing ‘sighting,’ may isa
tayo o dalawang ahente ng intelligence na wala hong magagawa kung nag-iisa o
dalawa. Pero ngayon po, medyo ilang buwan na silang pumirmi, tumigil at
nagcu-cultivate po ng maayos na pagkilos dito sa lugar nga ho sa Mamasapano. So
gumawa ho ng plano, prinisenta sa atin ‘yung pinakahuling version ‘nung
January. Prinisenta po sa atin ‘yung buong plano sa pamamagitan ng isang Power
Point presentation na kung titingnan po natin ay nakapa-thorough ‘nung
planning. Ultimo po ‘yung ano bang phase ‘nung buwan, ‘yung gaano kalakas ba
ang illumination ng buwan, naka-plot po doon sa kanilang mga dates. Bakit namin
pinili itong petsang ito? Ipaliwanag ko lang po nang konti, pasensya na ho kayo
medyo mahaba ‘yung details, ano.
‘Yung night vision ho,
device, siyempre ‘pag walang buwan o mahina ‘yung buwan – palubog ‘yung buwan –
maximum ‘yung effect niya dahil ‘yung kalaban natin na walang night vision
siyempre madilim ang ino-operate. So ang lamang po ng ating puwersa, mayroong
night vision device, pipili ng araw kung saan mahina ‘yung illumination ng
buwan o may cloud cover na dagdag para ma-maximize ‘yung advantage nila. So
pupuntahan ‘yung target, papasukan, nag-jump off ng 10:00 ng gabi – ‘yon pong
detalye nalaman ko na after—pero gabi, papasok doon, madaling araw – mga
ala-una, alas-dos – matatapos ‘yung misyon, tapos lalabas. ‘Nung prinesent
(present) na po ‘yung plano, siyempre, hindi ho lahat ng detalye hiningi ko.
‘Yun bang, ‘ano ba ‘yung actual na rutang tatahakin? Ilan ba ang tatahak sa
rutang ito?’ Mayroon pong tinatawag sa gobyernong ‘presumption of regularity.’
‘Yung taong kausap ko hong expert, dapat hindi ko na siya turuan ng… Kunwari
ho, college level na, hindi ko na tatanungin ng ‘paki-recite mo nga ‘yung A, B,
C, D,’ ‘di ba? So parang sa presentation mukhang pinag-isipan lahat, ang hindi
ko lang ho—o hindi ako masaya doon sa plano, sabi ko, 160 ‘yung gagamitin mo
diyan at 3,000 to 4,000 ‘yung potential na baka maging kalaban, baka naman
mapintakasi tayo o siguradong mapipintakasi tayo at mabibilad ‘yung mga tao mo.
So sinabi ko sa kanya
kailangan makipag-coordinate ka sa AFP. ‘Yung AFP po kasi – kausap ko dito si
Director (Getulio) Napeñas – ‘yung AFP ho ang may kanyon, may armored vehicles,
may eroplano. ‘Pag sinabi hong coordinate… Sabi niya sa akin, ‘sir, magko-coordinate
kami sa jump-off’ – kumbaga, pagkilos. Sabi ko hindi pwede ‘yung pagkilos dahil
patungo ka na doon sa objective. Kailangan i-posisyon ‘yung kanyon; kailangan
i-posisyon ‘yung tangke; kailangan i-posisyon ‘yung eroplano; kailangan
i-posisyon ‘yung tao; kailangan i-posisyon ‘yung gasolina at saka ‘yung bala ng
kanyon, ‘yung bomba ‘nung eroplano, et cetera. Hindi mo naman magagawa ‘yan in
30 minutes or less. Sabi nila, ‘sir, ‘yung operation on security.’ Kausapin
niyo ‘yung pinakamataas na kailangang kausapin na pwede niyang utusan lahat
itong subordinate units na pumunta sa kani-kanilang mga puwesto para reding
(ready) umalalay.
Ngayon ho, ‘yung sagot
niya sa akin ‘nung una, ‘jump-off;’ hindi ako pumayag. In-insist ko several
days before, pinakamataas, dahil nabilinan ko rin po beforehand doon sa ibang
operation – Chief of Staff ng AFP at saka Director General ng PNP –
mag-coordinate kayo para hindi kontrahan ‘yung mga ginagawa ninyo, para matugis
itong dalawang ito. So sinagot po niya sa akin: ‘Yes, sir.’ Dumating ‘yung
araw, January 25, ‘di po ba – baka itatanong niyo kung bakit tandang-tanda ko
‘yung petsa? Birthday po kasi ng nanay ko ‘yon e, at tumungo kami sa Zamboanga
dahil doon sa pambobomba na nangyari na kung saan lampas 50 katao ang nasugatan,
may dalawang patay. Una kong natanggap na text, nandito pa ho sa telepono ko,
parang pinadala ng 5:45 – aminin ko nakapatay ‘yung telepono ko, 7:00 more or
less ‘nung pagbangon (ko) binuksan, sinagot ko siya ng about 7:30 or so – at
sinabi sa akin doon sa text ni Director General (Alan) Purisima… Sa kanya ko ho
dinadaan kasi parati mula nung umpisa ‘yung mga mensahe ng director ng SAF.
Hindi ko ho kausap ‘yung director ng SAF e, diretsuhan, mula ‘nung umpisa. So
naabot si Marwan, na-neutralize, nagkaroon ng firefight at napaatras sila. Sa
dulo ho sa palitan namin, tinanong ko – kasi nakalagay ho sa text niya 15
hanggang 20 katao ang lumaban dito sa puwersa natin – so ang tanong ko sa
kanya: ‘160 ‘yung ipinadala ninyo, mayroong suporta ng AFP at saka PNP units
pa, bakit aatras ‘yung 160 kung ang lumalaban 15 hanggang 20?’
Mayroon hong doctrine
sa militar kasi, ‘pag mayroon kayong gustong i-take na objective,’ minimum
ratio is three-to-one (3:1). ‘Yung aatake ho dadaan sa open ground, ‘yung
nagdedepensa naman nakakubli, so mas maraming malalagasan sa nag-a-attack. When
you want to take an objective, the ratio therefore of attackers to defenders is
three-to-one, and when you want to take and hold their objective, it has to be
eight-to-one. So 160 po ‘yung atin, 15 to 20 ‘yung sa kanila, bakit umatras
‘yung 160 natin? At parang doon po, medyo napag-isip na ako, ‘mukhang may
kulang yata dito sa sinasabi.’ Tapos ang paliwanag nakihalo raw po ‘yung BIFF
kaya naobliga hong umatras ang ating mga puwersa.
Ngayon ho, ‘yung…
Marami hong detalye e. Ayoko naman ho kayong lunurin sa detalye, pero
simpleng-simple ho, ganito ‘yung mga nakita natin sa umpisa’t umpisa: ‘Yung
kung saan ho kayo nakaupo ngayon – damuhan, ‘di ho ba? – ngayon, ganyan ho
‘yung hitsura ‘nung 80 percent ng lupain dito sa area na ito. Kumbaga ho, ang
idea, ‘yung seaborne lulusob; ‘yung SAF 55 ang aalalay sa kanila; babantayan
‘yung escape route. Ang problema ‘yung babantayan na lugar, ganyan, damuhan;
walang punong kukublihan – kung mayroon man, mga ilang punong niyog, ilang puno
ng saging, ‘yung iba maisan. ‘Yung mais ho hindi haharang ng bala; ‘yung saging
hindi rin siguradong haharang ng bala. Ngayon, isipin po ninyo, 38 ang lumusob
na SAF na seaborne; ang sasalo sa kanila 36 ng SAF 55. Kung ‘yung 38 umatras,
ibig sabihin may humahabol na puwersang malakas, tama ho ba? Kung malakas ‘yung
puwersa na hindi mahinto ng 38, siguro mas hindi matutulungan ng 36, maliban na
lang ho kung mayroong tinatawag na… ‘Di ba, mayroong itinuturo sa ating ‘choose
your battlefield?’ Ibig sabihin ‘non, hanap ka ng terrain, lamang ka. Mayroon
kang pagkukublihang mga malalaking bato; mayroong mga punong magtatago ng
puwesto mo; may oras ka na gumawa ng foxhole, ‘di ba? Tapos magugulat ‘yung
humahabol. Pero ang problema nga ho, ganyan pala ‘yon. Hindi ho sinabi sa
aking… ‘Yung picture na ipinakita sa akin iba-ibang – ‘yung darkness ho ng
green e. So parang ‘pag tinitingnan mo, ‘o dito mukhang makapal na makapal ang
puno; ‘pag dito tiningnan mo – o dito mukhang cultivated land,’ so mayroong…
Pipili ka ng puwesto… May in-establish ho kasi ‘nung papasok at dalawa ‘yung
exit route; babantayan ‘yung exit route na lamang ka sa puwesto – ‘yon may
posibilidad ‘yon na kaya mong harangin ‘yung mas malaking puwersa.
So ang problema nga ho
nito, bakit walang foxhole? Wala hong entrenching tool pala itong SAF.
Entrenching tool ho ‘yung puwedeng pala, puwedeng piko, gagawa ka ng foxhole.
Wala palang terrain na pagkukublihan. Tapos ang masakit pa ho, inutusan lahat
itong mga susunod na aalalay doon sa seaborne, bawa't platoon – tawag ho nila
‘company,’ pero actually ang dineploy (deploy) doon platoon – ‘yung platoon ho
mga 30 katao. Babantayan ang tatlong waypoint. ‘Yung tatlong waypoint,
maghahati pa pala itong 30, tapos tatayo sa damong ganyan. Kung alam ko ho
‘yung parte ng planong ‘yon, palagay ko ho hindi na natin in-approve. Sandali
lang, paano haharang ito, paano aalalay kung wala silang advantage ng terrain?
Ngayon po, ano ang mga
nangyari pa? Pagtawid una ‘nung seaborne, biglang mataas ‘yung tubig at malakas
‘yung current. Ang nakatawid doon sa 38, 13. So ‘nung ginawa ‘yung plano –
‘yung seaborne na operator po kasi 50-plus e – hindi ginamit ‘yung buong
50-plus, ang ginamit 38. So 38 was deemed enough at mayroon kang reserved, kung
tutuusin, doon sa unit para ma-accomplish ‘yung pagtira doon sa dalawang target
and then ‘yung pagkuha. ‘Nung nangyari ‘yon, 13 na lang ang natira, one-third
na lang ng puwersa mo; puwede na hong nagsabing ‘abort.’ Teka muna, kailangan
natin times three, ang dadalhin natin one-third; mukhang malabo itong planong
ito. First time na – ‘yung sa pagtingin pa lang po doon sa nangyari. ‘Yung SAF
55 naman po na umabot sila sa waypoint 12, ang debate po dapat nasa waypoint 19
sila. Waypoint po parang ‘yung sa GPS (global positioning system), dapat
nandito kayo sa puwestong ito. So ang distansya po bawa't waypoint between 100
to 200 meters, so malayo sa puwesto para makaalalay ‘yung SAF 55. Puwedeng…
‘Nung nalaman ko… Ang makakaalam po nito ‘yung tactical command post kung saan
nandoon si Director Napeñas. Kulang ‘yung seaborne na nakatawid muna ‘nung
ilog, malayo ‘yung aalalay, pwede na niyang sinabi ‘yung ‘abort.’ Dahil nahuli
sa pagpuwesto ‘yung SAF 55, ‘yung SAF 41 to 45 na nauna na bumabantay ng ruta
at saka ng kalsada, nahuli rin. Dapat silang i-deploy 2:30 ng umaga, dineploy
sila nang 5:30 ng umaga. Ang problema po ng 5:30 nang umaga, malapit nang
sumikat ‘yung araw, wala nang silbi ‘yung night vision mo—hindi ka na lamang.
Puwede na namang sinabi ‘yung ‘abort.’ Parang makikita naman niyang, ‘Uy! 2:30,
e 3:30 na hindi pa nakapuwesto; 4:30 na hindi pa nakapuwesto; 5:30 na hindi
nakapuwesto’—puwedeng i-abort. Sasabihin—[baka ho may] magtatanong: ‘bakit
hindi siya nag-abort?’ Hindi ko ho alam. Dahil marami ho silang ibang operation
na nag-abort at iba-iba ang dahilan.
Sa totoo lang ho, dito
sa pagkakausap ko sa SAF, doon sa plano parati pong mayroong isang pahina na
sinasabing ‘kailan tayo pwedeng mag-abort?’ Dito ho tinanggal ‘yung pahina.
Nawala doon sa operations nila na mayroong parang pahintulot na puwede kayong
mag-abort. Ngayon ho, ang masakit, pagdating nitong SAF 41 to 45, pagbaba nila
ng sasakyan, ang testimonya ng mga hepe nilang nandoon, nagpuputukan na. Ang
dapat siguro ‘non—mga 300 mahigit po ito, mga 318 o 319—inipon mo ‘yang
puwersang ‘yan, dinikitan mo na as much as possible, sinubukan mong tulungan
‘yung SAF 55. Ang inutos daw ho sa kanila, ‘punta kayo doon sa mga waypoints
ninyo.’ Parang tinuloy ‘yung plano na nagbago na ‘yung nangyayari o ‘yung
kondisyones. Tapos ‘nung hinati-hati dito sa kanilang mga waypoints—siyam na
waypoints yata silang hinati doon sa 300—hindi, sandali ho. ‘Yung tatlong
kompanya, hinati sa siyam; tapos ‘yung dalawang kompanya pa o platoon,
actually, iniwan doon sa kalsada para bantayan ‘yung kalsada, hindi sila
ma-ambush doon sa kalsadang ito. ‘Nung hinati-hati ‘yung puwersa, bigla nang
nakapag-isip, mukhang kailangan nating tulungan ‘yung 55, ipunin lahat ‘yan.
Siyempre, tumatakbo na po ‘yung oras, nagbabakbakan na; hinati-hati mo, iipunin
mo; by the time na nakalapit po sila, ang testimonya sa akin, napalibutan na
nang husto ‘yung SAF 55—hindi sila makalapit. Sumubok hong tumulong, supposed
to be, ‘yung SAF 45 sa isang side; tapos ‘yung bumabalik po na seaborne,
sumubok ring makipag-link up dito sa SAF 55. Pero masyadong malakas daw ho
‘yung putukan, ‘yung mortar, hindi sila makalapit.
Ngayon ho, ‘yung
ginawa ho ni Director Napeñas, ‘yung sinabihan niya akong 160 ang gagamitin
dito, ang dinala niya doon over 390. Tapos, siyempre, iniisip natin bakit niya
ginawa ito? ‘Nung sinabi ko sa kanyang ‘yung 160 manipis, inisip niya: ‘teka
muna, kumuha na ako ng lahat ng madadala ko diyan.’ So ‘yung 160, times two,
320; dinagdagan pa niya kaya naging 390. Siya lang ho—at ilan sa kanila doon sa
senior na group—ang nakakaalam na hindi sila nag-coordinate sa AFP. ‘Yung
coordinate po: ‘Dito kami papasok, dito kami lalabas; ito ang potensyal na
haharang sa amin, ito ang kailangan naming alalay sa inyo,’ ‘di ba? ‘Yon ho ang
coordination e. Ngayon, sana ho pwede kong masabing ‘tatanga-tanga si Napeñas,
hindi niya alam ‘yung lugar.’ Ang problema ho siya ‘yung regional public safety
battalion commander ‘nung 2007 to 2008. Alam po niya ‘yung terrain; alam po
niya ‘yung kultura. Siya po ang may alam na hindi siya nag-coordinate sa AFP.
Idagdag ko pa ho, nagkaroon ng… ‘Yung AFP bakit naman nila alam na may ganitong
operation? ‘Nung AFP Day po ‘nung 2014, nagkaroon ng coordination meeting, na
para bang nag-usap ng concept. Walang sinabing detalye. Sa dulo po ‘nung
meeting, hihintayin ng AFP ‘yung mga detalye para makapagplano sila ng kanilang
papel. Nagkaroon ng pangalawang meeting sa Zamboanga, wala pa rin ‘yung
detalye. So ang pananaw ng AFP, walang operation, hanggang humihingi na ng
saklolo alas-sais ng umaga—pabalik na. Tandaan ho ninyo, nangako siya ‘nung
una, ‘jump-off’ – 10:00 ng gabi ‘yon – sabi ko, days before. Hindi nagawa ‘yung
days before, hindi nagawa ‘yung 10:00, ginawa po niya ‘nung pabalik na ‘yung
tropa – ‘yung ‘time on target’ na tinatawag nila.
Ngayon, ‘yung AFP ho
sumubok tumulong, ‘yon bang… Sa totoo lang ho, may mga radyong sophisticated na
ginagamit po ng Sandatahang Lakas at saka ng pulis. Sa pulis po dalawang klase
pa ang mga radyo. Pero ‘nung araw na ‘yan parang maraming gumamit ng cellphone.
At ‘yung cellphone hindi ho maganda ang signal sa ibang lugar, nagkaroon pa ng
question ng load, ‘yung mga ganoon ho – kasama na ho ‘yon sa itutugis ng Board
of Inquiry. Pero ang bottom line ho, kung alam ko na ganito ang gagawin niya
from the start, ay hinindian ko ho itong misyon na ito. Parang ‘yung
puwedeng-puwedeng maging successful na misyon, sa ginawa niyang plano, parang
naging mission impossible. Ngayon ho, ‘yung masakit ho nito sa totoo lang, bago
ako umalis at tumungo ng Zamboanga, nakatanggap ako ng dalawang text: isa
galing kay Director General Purisima kung saan nilagay doon na ‘yung artillery
saka ‘yung armor ay tumutulong na. Hindi ‘tutulong’ pero nakalagay po doon are
‘all ready in support.’ Nag-text po si Napeñas, ipinadala niya sa liderato ng
PNP – kay General (Leonardo) Espina – mga alas-singko na ng umaga, o baka
alas-sais na ng umaga, kung saan ang pinaka-importanteng parte doon sa
ipinadala niya… Sinabi naman ho ‘yung ‘si Marwan nakuha, umatras ‘nung may
nakipaglaban…’ – ganyan. Sa dulo po ‘nung text ni Napeñas, nakalagay doon,
‘extraction ongoing.’ Hindi ho ‘extraction is imminent’ or ‘extraction started’
– ‘extraction is ongoing.’ So binalikan ko po itong mga text dahil sabi ko,
‘bakit ba wala akong sense of urgency na delikado ang mangyayari o nangyayari
doon sa SAF 55?’ ‘Pag sinama niyo ‘yung dalawang texts, tapos ‘yung nag-‘yes,
sir’ sa akin… Ako lang naman po ‘yung Commander-in-Chief, sinabi ng subordinate
ko na tutuparin niya ‘yung utos ko—at mayroon naman pong nangyari noong 2013 na
‘pag tama ang coordination ay hindi ho napapahamak, ‘di ba, ‘yung ating
tropa—akala ko ho tapos na ‘yung insidente. Pagdating ko ho ng Zamboanga City,
doon naging klaro, halos walang may alam. Naging maliwanag na walang
coordination. ‘Yung nasaan ba actually ang tinutulungan natin?
‘Yung seaborne ho na
SAF, sa totoo lang hapon na, late afternoon bago tayo sinabihan na mayroong –
dalawa pala ang sinasalba nating SAF units, hindi lang ‘yung 55. Ngayon ho,
‘yung… Sa totoo lang, naghanda tayo pati eroplano. Pag-alis ko ho sa Villamor
patungo ng Zamboanga, sabi ko sa commanding general ng Air Force, sabi ko ‘yung
operation natin kay Marwan ha, siguraduhin mo ‘yung available assets talagang
available.’ Sagot sa akin: ‘Yes, sir.’ Alam ko nag-coordinate sila lahat e.
Pag-alis ko, tumawag siya sa Western Mindanao Command, sinabi ‘ano ba ‘yung
operation kay Marwan?’ So talagang mayroon pa hong mga ibang detalye na
pababayaan ko na ‘yung Board of Inquiry. Pero madaling… Mapapakita po sa lahat
ng ebidensya – cellphone records, witnesses, et cetera – sinolo ni Napeñas,
siya ang nag-desisyon, at ang dami niyang mga desisyon… Parang may times hindi
yata nag-desisyon, may times ho ‘yung desisyon niya palpak. Pero pag-alis na
pag-alis niya sa akin noong January 9, or thereabouts, mukhang lumalabas ngayon
wala siyang intensyon na tuparin ‘yung utos ko sa kanyang makipag-coordinate.
Ngayon ho, kung may
coordination sana, ‘yung seaborne ho… Nagkaroon… Una, isa lang ang sugatan sa
kanila, pero ‘nung hinabol nang hinabol sila umabot ng siyam ang kanilang
casualties. ‘Yung kaya nasalba nakapaputok ang AFP ng tinatawag nilang marking
rounds: papuputok ng artillery round, makikita mo kung saan tatama,
mag-a-adjust kayo – iabante ninyo, iatras ninyo, igilid ng kanan, kaliwa. Nagpaputok
ng isa, hindi nakita; nagpaputok ng pangalawa para makita ulit; at inabutan ng
pangatlo para manigurado. ‘Yung kalaban, nakita tatlo na ang pumutok, akala po
nila dahil ‘yon ngang… Normally, ‘pag nagpaputok ka ng marking, ‘yung una
sobra; ‘yung pangalawa, kulang; ‘yung pangatlo, sentro—pagtapos ‘nung pangatlo…
So tatawag na ngayon ‘yung commander on the ground ng ‘fire for effect,’
bubuhusan na ng rounds ‘yon. So ‘nung pumutok ‘yung tatlo, akala ng kalaban
parating na ‘yung artillery na bubuhos sa kanila, umatras—doon na-rescue ‘yung
seaborne. Kung nag-coordinate sa umpisa’t umpisa, sa atras nila mayroon na
tayong artillery na haharang doon sa humahabol, iba ho ang usapan. Pero dahil
wala hong sinabihan, hindi nag-coordinate; ‘yung coordinate ho saan ba
manggagaling… Saan ba nakapuwesto ‘yung artillery ninyo? Ano ba ang maximum
distance niyan? Hindi ka pwedeng dumaan doon sa kung saan tatakbo ‘yung
artillery round, kailangan sa gilid. Saan ba dapat babagsak ‘yan? Anong oras ba
dapat mong ipadala ‘yan? ‘Yung minuto ho importante e. ‘Nung dumating ho, sabi
ng AFP, may parteng hindi maibigay ‘yung eksaktong puwesto. So ngayon, ‘yung
kausap mo nandito siya, ‘nung dumating ‘yung bala nandoon siya, e doon mo
ipinadala ‘yung artillery rounds, hindi ho puwede, kaya kailangan may
coordination na maganda—patung-patong ho ‘yan hanggang, ‘yon na nga ho,
nabilad. Medyo ‘yun ‘yong ikinasasama ko ng loob e. Hindi dapat mangyari ito:
[kung] sumunod ka na lang sa utos, iba na sana ang nangyari. At the very least,
mababawasan ‘yung casualty natin. Sana hindi mo na rin plinano na lulusob diyan
stealthily, kuno-kuno, na wala naman palang pagkukublihan. Sana hindi mo na
dineploy ng 5:30 nang umaga na wala nang silbi ‘yung night vision mo.
Ang mga deboto po
nating kapatid na Muslim, ‘yung mga iba ho nagdadasal alas-quatro ng umaga. So
‘pag dumating ka ng alas-singko y medya medyo gising na gising na, at ‘yun
‘yong iniiwasan mo na makakita sa’yo para nga hindi ka mapintakasi, pero alam
niya ‘yon e. Dumating ng 5:30, pinabayaan pa rin. Ngayon, ano ba ang alam ko
doon? So marami hong operation; na-abort for one reason or another, tapos ito
sinabi sa akin from January 23 to 26. Tapos bigla na lang January 25, umaga,
ito na ‘yung tinetext. Sana, sana nasabihan ako: ‘sir, napaligiran na ‘yung
tropa natin dito, medyo mabagal ang kilos ng AFP’—parang ganoon—iba ang usapan.
Pero ang sinabi, pag-alis ko, bago ako umalis ng bahay papunta ng airport:
‘nililigtas na lahat at tumutulong na lahat ng dapat tumulong.’ Hindi pala
totoo ‘yon. Ang totoo lang ho kasi, ‘yung armor support umalis ng kampo…’ ‘Di
ba, ‘yung text ho 7:30, mga 8:20 nakaalis ‘nung kampo. Anim na V-150 at isang
platoon dahil inipon lahat ‘yon muna. Hinanap ‘yung tatao diyan tapos pinatakbo
‘yung anong mayroon sila – ‘yon po ‘yung quick reaction force. Tapos ‘nung
nagkatanungan, saan ba exactly ‘yung pupuntahan namin? Ayun, naglabas ng Google
map, banda rito. Talagang may lack of professionalism.
‘Yon na ang point,
kasama siya sa mananagot. Siyempre, may mga tumutuligsa sa atin dito. Inutusan
daw siya, isinasalba ko ang sarili ko, ganoon – aba, hindi ah. Kung ako ang may
kasalanan dito, bakit hindi ko aakuin lahat? Pero ‘pag nakita ho ninyo ‘yung
pagpaplano nito, napakahusay ho ‘nung Power Point presentation. Sa—‘pag
binansagan po kalsada sabi nila, ‘ang ganda ng plano kaya lang drowing pala
ito.’ Alam ninyo, may isang pahina pa ho doon nilagay kung sino ang contact na
liaison sa presentation. ‘Pag kailangan mo ‘yung mechanized brigade, ito; ‘pag
kailangan mo ‘yan, ito – anong unit niya, et cetera. Sabi ng mga operator
ngayon, para bang doon tinanong, ‘paano ho kami magko-coordinate? Sagot raw ni
Napeñas, ‘ako na ang bahala.’ Importante ho ‘yung ground commander, ‘yung
talagang nandoon, ‘yung operating: ‘Sir, nandito na kami at this time sa
puwestong ganito. Ang kalaban ay nasa ganitong direksyon. Ang dami nila ay
ganyan. Kailangan namin ng artillery support sa ganitong grid.’ Ang makakaalam
‘non ‘yung nandoon. Hindi ‘yung ibabato niya kay Director Napeñas, si Napeñas
ibabato sa AFP; AFP magtatanong, balik kay Napeñas; si Napeñas balik dito sa
tropa. E kung naghahabulan kayo, baka by the time natapos lahat ‘yon, tapos na
‘yung bakbakan—‘di ho ba? So ‘pag tinanong niyo ako kung bakit nag-isip ng
ganito, ewan ko ho. Mayroon akong mga duda, anong motivating factor niya, pero
maliwanag na maliwanag ho na mali. ‘Yung sabi ko sa kanya, ‘baka mapintakasi
tayo rito. Hindi puwede ‘yung 160 mo bahala na doon sa katapat na 3,000 to
4,000. Kailangan nating maniguradong may backup at ‘yung backup ‘yung AFP.
Nandiyan ang tangke, eroplano, sundalo, artillery. Itinago sa kanila. Tapos
sinubukan pa sigurong, ‘di ba, parang remedyuhin—‘kaya ko pa ito.’ E lahat ng
pagreremedyong ‘yon, bumawas nang bumawas ‘yung oras para matulungan natin in a
timely manner ‘yung ating mga ipinadala doon.
‘Nung tinanong po ako
ng mga pamilya, sabi sa akin, ipinadala po ninyo doon at tila napabayaan. Bakit
ho ganoon ang nangyari? At sa totoo lang ho, para sa akin, the truth is, I was
given the wrong information by the people who knew most what was happening, and
unfortunately, the others who did not know anything could not give me any
further information rather than very raw information. ‘Yung kailangan mayroon
silang tinatawag na ‘situational awareness’ e. ‘Yung ground commander has to
know, has to be close enough to the battle scene to be able to see all of his
operating units. But he shouldn’t be too close to the battle scene that he can
only see one component of all the units. Si Napeñas po was 15 kilometers away.
So ‘yung, ‘di ba, parang in a chessboard ina-arrange lahat ‘nung pieces. Hindi
ko alam at some point kung saan niya nabitawan ‘yung situational awareness
tapos diretso nang nataranta. Ang problema ‘yung nataranta, to a large degree,
siya lang ang may alam ‘nung maraming detalye na kakailangin ‘nung aalalay.
Now, having said that,
the mission itself is inherently risky. ‘Yung target ho IED (improvised
explosive device) ang ginagawa e, booby traps. You can expect na mayroon silang
force multiplier na ‘pag lulusubin mo ito, mayroon itong mga traps. Mayroong
mga other plans po na—and let me just share that with you—sorry ang haba ng
sagot ko. ‘Yung isa ho sa operations kasi was supposed to be waterborne. Tapos
tamang-tama, gagamitin si seaborne, so may capabilities to operate watercraft.
Marshy area po – may mga rivers, may swamps, et cetera – so ‘yung boats would
have given them an opportunity to enter stealthily and approach the target from
just about 200 meters away instead of walking four kilometers. Siyempre, mas konti
‘yung makaka-detect sa inyo sa 200 meters, kaysa sa 4,000 meters. So ‘nung last
briefing nga ho, ‘nung January 9, bigla na lang naging land march. Ano nang
nangyari doon sa pinaplano ninyong waterborne? Ang sagot sa akin ‘yung tubig
daw ho bumaba na. Hindi na raw kayang i-support ‘yung waterborne operation.
After the incident, out of curiosity tinanong ko po ang DOST (Department of
Science and Technology), and through them tinanong ang PAGASA (Philippine
Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), ang sagot
po sa akin water levels in December and in January were practically the same.
Napapag-isip ako ngayon: ‘Drowing din ba ‘yung hindi na kaya ‘yung tubig?’ Can
I just add: When they actually launched this previously at nag-abort, why was
it aborted? ‘Nung sumakay na sa kanilang mga boats at nag-proceed na doon sa
target area, three out of five—if I remember correctly—were taking in water.
Lumulubog po itong mga boats, so in-abort, balik sa pinagdaungan. Doon ko ho
unang nakilala si Napeñas e. Sabi ko, seaborne, ikaw ang commander, bakit naman
hindi pa ninyo matantiya ‘yung kakayahan ng boat versus ‘yung ilalagay doon sa
boat? Medyo, sabi sa akin, ‘sir, ‘nung tao, equipment lang, okay;’ ‘nung
nilagay ‘yung armor—‘yung body vests, helmets, et cetera—sumobra na raw. Sabi
ko parang dapat yata nakikita ‘yon sa practice pa lang e. Kaya ‘nung January 9
nagtanong ako, kako, may night vision. Sanay ba ‘yung mga tao mong gumamit?
‘Sir, halos ara-araw nagpapraktis sila’ – ganoon.
Ngayon, siguro ‘yung
pinaka-generous way of looking at it, maraming wishful thinking si Napeñas as
opposed to reality. Pero maliwanag sa akin, binola niya ako. Ngayon, ano ho ang
responsibilidad ko at this point in time? May kasabihan ho e: ‘Fool me once,
shame on you; fool me twice, shame on me.’ At wala akong balak na ma-‘fool me
twice,’ kaya ho humanda ho lahat ng… Tinawag ko hong liderato ng PNP, sabi ko,
‘alam niyo ‘pag may utos tapos nag-deviate kayo, siguraduhin ninyo mayroong
justification for the deviation—nagbago ‘yung facts on the ground, for
instance—dahil ‘pag hindi ninyo na-justify, one degree ng deviation na wala
nang benefit of the doubt, insubordination kaagad ‘yan and you will be out and
you will be parang filed the appropriate charges. Now, the task before us,
siyempre (is) to take care of the families that were left behind and
reconstitute the SAF to rebuild its esprit de corps, its morale, especially and
given the fact that next year, the police will play a very vital role in
ensuring that we have safe, orderly, and peaceful elections. So they have to be
ready before that period comes in. I hope that gives you a bird’s eye view of
what transpired. Thank you po. – Rappler.com