PUBLIC
(Transcript of Message of Mohagher Iqbal during the Peace
Rally of the Indigenous Peoples in Maharlika Plaza, Nuro, Upi,
Maguindanao-March 7, 2015)
BISMILLAHI RAHMANIRAHEEM
Magandang umaga po sa inyong lahat, at sa mga kasamahan
natin sa presidential table.
Ngayon ay dumadaan tayo sa isang malaking pagsubok, kong
hanggang saan ang pagtitiis natin, hanggang saan ang pagsisikap po natin, kong
hanggang saan ang kaiportante ng kapayapaan sa ating lahat.
Ang Proposed Bangsamoro Basic Law, ay nasa kongreso na ng
Pilipinas. Naumpisahan na po ang pag deliberate sa kongreso, kaya lang noong
mangyari ang very tragic incident , very unfortunate incident, ang Mamasapano,
January 25, kong saan 44 ang mga SAF commandos ang namatay at marami pang ibang
na wounded at sa parte ng MILF , ay 18 ang namatay, 14 ang sugatan, maliban pa
doon may lima pang sibilyan na namatay, dahil sa engkuwentro na yun.
Malungkot na nangyari, nakakalungkot po, masakit sa atin ,
lalong lalo na sa ngayon na nag-uusap ang goberno at ang MILF at ang
pinaka-iportanteng dokumento ay nadamay. Ang sinasabi ko dito ay ang Framework
Agreement on the Bangsamoro at iyong Comprehensive Agreement on the Bangsamoro,
kong saan iyong proposed Bangsamoro Basic Law ay doon po nakaangkla sa dalawang
agreement na yan, at sana po kong hindi nangyari yun January 25 na insidente sa
Mamasapano, ay malamang, sigoro naipasa na po ang proposed Bangsamoro Basic
Law.
Pero tayo lahat ay naniniwala na may Diyos, alam natin na
ito na ang nangyari at ito na ang nangyari at wala ng ibang nangyari, ito na
nangyari, kundi ito lang at dahil doon ay tatanggapin po natin ang mga
pamamaraan kong papaano natin, isulong yung usapang pangkapayapaan at kong papaano
natin maipasa ang proposed Bangsamoro Basic Law.
Pero nakakalungkot po, na maraming indibiduwal, maraming mga
grupo, mayroon din sa mga kasama sa grupo na yan na tinatawag natin na mga
leaders of society, na instead na manawagan sila ng kapayapaan, ang panawagan
nila ay giyera po. Giyera po. Sa tingin po natin mas madali nilang gawin dahil
sila po ay hindi nila natikman ang giyera dito sa Mindanao. Ang nakikita lang
nila ay ang napapanood nila ay sa mga pelikula, ang napapanood nila ay sa mga
sine, hindi po nila natitikman ang lupit ng giyera. Kahit magkaroon tayo ng
giyera dito sa Mindanao ay sila ay andoon sila sa Manila, andoon sa mga bahay
nila, na masasarap ang pagkain nila, maganda ang nararamdaman nila, samantala
tayo ay naghihirap dito Mindanao, lalo na dito sa proposed Bangsamoro area.
Kaya panawagan ko po sa lahat, maging Muslim man o maging
Kristiyano o di kayay mga kapatid na Indigenous Peoples, dapat magkaisa tayo,
manawagan po tayo na magkaroon ng kapayapaan, na maipasa po ang proposed Bangsamoro
Basic Law.
Kasi ang Bangsamoro Basic Law o BBL ang tawag natin, iyan
ang daan sa kapayapaan, iyan ang daan sa development, iyan ang daan sa progress
dito sa Mindanao, lalong-lalo sa mga probinsiya na napapaloob dito sa
Bangsamoro area.
Alam natin gaano kahirap ang giyera, gaya ng sinasabi nila
na giyera, katulad ng sinabi ko, kaya hanggat maari ay huwag na natin ulitin,
na hindi na dapat mangyari ang giyera dito sa Mindanao.
Kaya manawagan po tayo, dapat magkaisa tayong lahat, para
manawagan po tayo na magkakaroon ng kapayapaan dito sa Mindanao, dahil alam
natin na sa giyera ay walang nanalo, lahat ay talo, tayong lahat ay matatalo.
Ang giyera dito sa Mindanao ay nag-umpisa noong 1972, 42
years na po, so hindi naresolba ang problema dito sa Mindanao sa pamamagitan ng
giyera.
Alam natin na malakas ang goberno ng Pilipinas mayroon
silang tangke, mayroon silang eroplano, mayroon silang barko, lahat ng
kasangkapan ay mayroon kanila, hindi nila kayang talunin ang MILF ang gobrno ng
Pilipinas, dahil malakas ang goberno ng Pilipinas. Pero hindi naman kayang
talunin ng goberno ng Pilipinas ang Moro Islamic Liberation Front. Ang MILF, ay
di kayang talunin ng goberno ng Pilipinas, kasi kaya naman ng MILF na
mag-girelya di ba? Huwag lang sa confrontational warfare, dahil mas malakas ang
goberno doon, pero pag girelya warfare, mas malakas ang MILF.
Kaya hindi na ho dapat ang panawagan natin na giyera, giyera
dito sa Mindanao kasi walang nanalo gaya ng sinasabi ko at hindi ito matatapos
kaya nga ho nagdedesyon ang goberno ng Pilipinas at ang mga Moro Islamic
Liberation Front early as 1997, na instead na mag-giyera ay mag-uusap tayo ng
kapayapaan para maresolba ito sa pamamagitan ito ng mapayapang paraan.
Gaya ng sinabi ni Chairman Salamat Hashim (Ya Yarhamo). Ang
sabi niya sa English : “The most practical and most civilized way of resolving
the conflict in Mindanao is thru a negotiated political settlement.” Siya mismo
ang nagsabi, ang pinakamaganda, pinakamagandang paraan sa pagresolba sa
problema ditto sa Mindanao ay sa pamamagitan ng mapayapaang paraan.
Iyan din po ang sinusunod ng leadership ng MILF sa
pamamagitan ni Chairman Hadji Murad, yung mapayapang paraan. Kaya nakikita po
ninyo, kahit gaano kahirap ay sinusunod po natin ang usapang pangkapayapaan
dahil alam natin iyan ang daan patungo sa kapayapaan dito sa Mindanao, patungo
sa development ang progress dito sa Mindanao.
Ngayon malakas ang panawagan ng giyera, sinasabi ko po sa
inyo, God Willing, Insha Allah, malakas po ang ugnayan, partnership ng goberno
ng Pilipinas under the presidency of Benigno Aquino III at ng mga kabinete at
ng Moro Islamic Liberation, na isulong po ang kapayapaan at isulong din po ang
Bangsamoro Basic Law sa kongreso ng Pilipinas.
Kaya nga po kong minsan maririnig natin na siansabi ng iba na
namumuno sa atin sa Manila, sabi nila si Secretary Deles, Professor Miriam
Ferrer, parang spokeman o spokemen ng MILF, dahil yung sinasabi po ng MILF, yun
din ang sinasabi nila, dahil po ang presidente ngayon at ang administration ay
sinusunod yung sinasabi na “tuwid na daan”.
Ano ba yung tuwid na daan? Ang tuwid na daan, kong ano ang
napirmahan ng goberno at ng MILF Kong ano ang napirmahan, dapat ay sundin ng
goberno ng Pilipinas at ng MILF. Kaya nagkaisa po ang boses nina Secretary
Deles at Professor Miriam Ferrer at kami po. Dahil ang tinitingnan po naming
ang tinutugunan po natin at sinusunod po natin ay yung mga dukomento at ng
agreement na pinirmahan natin.
Kaya nagkaisa ang boses namin, ganoon na nga, makikita natin
na isang boses naming dahil sa lang ang kasunduan na pinirmahan ng goberno ng
Pilipinas at MILF.
Dahil po diyan tanungin po natin ang taong bayan, kaya po ba
dito sa Upi? Yung mga local government executives po natin dapat kausapin po
natin sila.
At saka yung mahirapan at wala ng kaya, manalangin na lang
po tayo na dapat mangingibaw po ang kapayapaan dito sa Mindanao.
Nakikita natin, na dahil sa pagsunod ng goberno ng Pilipinas
sa lahat ng kasunduan ng goberno at MILF at pagsunod ng MILF sa lahat ng
kasunduan, umangat po ang pag-uusap ng goberno ng Pilipinas at MILF.
Tapos na po ang pag-uusap, tapos na po ang negotiation.
Hindi na ho negotiation at discussion, tapos na po. Ang natitira lang dito ay
maipasa po ang BBL.
Maliban pa doon sa kausapin natin ang mga leaders natin, mga
congressman natin, mga gobernador natin, yung membro ng mga media, dapat din po
na ang mensahe ng kapayapaan sa mga leaderist ng Pilipinas at saka yung mga
kapuwa din natin na mga tao dito sa Pilipinas, para po lalaki (lalawak) po ang
boses ng kapayapaan, at hindi ang boses ng nanawagan ng giyera.
Sa MILF po, inuubos po namin ang lahat ng paraan, para po
tayo magtagumpay. Kami po ay naniniwala na kahit na nakikita natin ngayon na
mahirap ang dinadaanan natin ngayon, kami ay naniniwala, kami po ay nanalig at
the end of the day, ang boses ng kapayapaan, ay iyon po ang magtagumpay.
So hindi ko na pahahabain ang aking mensahe, dahil ho
mayroon pa kaming pupuntahan pa, from here, di ko pahahabain pa ang pagsasalita
ko dito. At pasesiya lang po kayo na hindi masyado ang aking pananalita ko
dito. Ang iportante for the first time, ay napunta ako dito sa poblacion ng
Upi. Ngayon lang po ako napunta dito. Nagpapasalamat ako kay Commissioner
Melanio Ulama na inaanyayahan niya ako para Makita ko ang munisipyo ho ninyo
pangalawa para ho makausap ko kayo, kahit papaano masabi ko dito abng mensahe
ng kapayapaan.
Para sa ating lahat, maraming salamat
No comments:
Post a Comment