Message Board


web stats

Saturday, March 7, 2015

SPEECH OF RG MUJIV HATAMAN

PUBLIC

Assalamu Allaikum
With warmest greetings of solidarity, I would like to congratulate all Basilenos on the occasion of the 41st Founding Anniversary of Basilan, my beloved home province.
Saan man ako mailugar sa guhit kapalaran, ano mang pusisyon ang aking mahahawakan, iisa lang ang mananatiling permante at ganap, ito ang katotohanang ako ay anak ng Basilan. I am a proud Basileño. I am Basileño first before I am Filipino, I am Basileño first before I am Bangsamoro, and I am Basileño first before I am Governor of the ARMM. Buong pagmamalaki at taas noo po tayo kahit saang larangan o luklukan ng kapangyarihan, kapag kinikilala tayo sa kataga bilang si Mujiv na Yakan o si Mujiv na taga-Basilan. I was born and raised in Basilan, kaya ang palagi kong sinasabi, dito rin sa Basilan ang aking magiging huling hantungan.
Mga minamahal kong Basileños, sa kabila ng mga masama at kadalasa’y maling balita at pagsasalarawan sa ating probinsya, alam nating napakaganda ng Basilan. Nararamdaman na natin ngayon ang pagbabago’t kaunlaran ng Basilan. Through the leadership of our Governor, Gov. Jum Akbar, sa kanyang mahusay na pamamahala ay naibabangon natin ang Basilan at sumusulong tayo ngayon tungo sa kaunlaran.
My fellow Basileños the key to our success is our solidarity, cooperation and unity of action. Ito ang mahalaga, ang ating pagkakaisa. Sa kabila ng ating pagkaka-iba sa tribo, paniniwala at kultura tayo ay magkasama sa iisang adhikain at sinusulong ang mithiin ng pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran ng ating mahal na Basilan. This I believe is the spirit behind our Anniversary theme, "Ginisan bangsa magtaayun si dambuwa maksud." (Diverse tribes in harmony, moving forward with one goal.). Kung sino man ang hindi naniniwala rito, tyak ko hindi sya tunay na Basileño at wala syang puwang sa Basilan!
Kaya po mahalaga para sa akin ang kapayapaan at kaunlaran ng Basilan, hindi lang dahil sa ako’y taga-Basilan, kundi sa aking katungkulan rin bilang Gobernador ng ARMM kung saan bahagi ang Basilan. Ika nga sa kasabihan, ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan. Kapag may pag-unlad at pagbabago sa kasaping probinsya ng ARMM, mararamdaman po ito ng buong Rehiyon. Sa kabilang banda naman, kapag may laganap kaguluhan at karahasan o talamak ang kabaluktutan sa pamamahala, ang buong ARMM din ang nailalagay sa masama. Kaya kailangan po nating maging tuwid sa pamamahala at tapat sa ating pinamamahalaan – ang taumbayan. Sa ganito aasahan natin na susuklian tayo ng ating mamamayan ng aktibong partisipasyon sa pamamahala at dedikasyon para sa kaunlaran ng kanilang mga pamayanan.
We are now at a historical juncture as an Autonomous Region. Kapag wala na pong aberiya sa usapang pang-kapayapaan sa pagitan ng MILF at GPH, na alam po nating lahat ay nalalagay ngayon sa alanganin dahil sa trahedyang nangyari sa Mamasapano, papasok na po tayo sa bagong yugto ng ating kasaysayan. Hinihikayat ko po lahat tayo na maghanda para salubungin ang Bangsamoro na ating inaasahang maging tamang hakbang sa pagkamit natin ng kapayapaan sa rehiyon, sa Mindanao at maging sa buong bansa. Maging aktibong bahagi tayo sa pagpanday nito, gawin natin ang ating makakaya para isulong ang kapayapaan. Huwag tayong maging instrumento para pigilan at biguin ang pagkamit sa kapayapaan. Wala po tayong mapapala sa karahasan kundi kahirapan at walang katapusang pagsasakripisyo at pagluluksa ng karamihan.
I look to more united actions from the wide spectrum of the Basilan society, from all levels of the Local Government Units, the NGO community, Private and Business Sector, Security Sector, Muslims and Christians, Basilenos all - working together and making a big difference in the noble pursuit for Peace.

My fellow Basilenos, Happy Anniversary at Mabuhay tayong lahat!

No comments:

Post a Comment