PUBLIC
COTABATO CITY - Kinundena ngayon ni Autonomous Region in Muslim Mindanao
Gov. Mujiv Hataman ang naganap na pamamaril patay sa Regional Reconciliation
and Unification Commission (RRUC) Executive Director nito na si Norodin
Manalao.
Si Manalao ay nagtamo ng labing isang tama ng bala mula sa
di natukoy na uri ng baril alas singko y medya ng hapon kahapon.
Inilarawan ni Governor Hataman si Manalao na isang mabait at
masayahing tao.
Ang RRUC ay syang naatasang ahensya ng rehiyon na umayos sa
mga family feud o rido sa rehiyon.
Nitong nakalipas lamang na taon ay umaabot sa 300 mga clan
war ang naayos sa pangunguna ni Manalao.
Ang rido ay isa lamang sa mga nakikitang dahilan ni
Gov.Hataman na nagpapalugmok sa rehiyon at dahil sa tulong ni Manalao ay
unti-unti itong naibalik sa magandang imahe.
Inatasan na ni Hataman ang ARMM PNP na magsagawa rin ng
malalimang imbestigasyon sa naturang insidente.(Jom DimapalaoBNFM Cotabato)


No comments:
Post a Comment